February 28, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(February 28, 2011)


Ngayong araw ng Lunes, ika-28 ng Pebrero 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P155.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P165.00 hanggang P190.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone at Meycauayan Market.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P120.00 hanggang P135.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market, Muntinlupa Public Market, Commonwealth Market, Marikina Market Zone, Meycauayan Market at Bacoor Public Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P3.90 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Mega Q Mart.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P80.00 hanggang P120.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P75.00 hanggang P110.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Marikina Market Zone at Maypajo Market at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P35.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P45.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P65.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P70.00 hanggang P130.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P60.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P35.00 per kilo sa Pasig City Mega Market at Viajero Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Meycauayan Market sa halagang P30.00 per kilo. Makakabili naman ng P45.00 per kilo ng carrots sa Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P20.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market, South Station, Meycauayan Market at Bacoor Public Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P70.00 sa Pritil Market at Marikina Market Zone. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P30.00 per kilo sa Viajero Market.