February 08, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(February 08, 2011)


Ngayong araw ng Martes, ika-8 ng Enero 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P150.00 hanggang P170.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C. I Market.

Ang liempo naman ay mabibili ng P165.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone, Meycauayan Market at Bacoor Public Market

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P118.00 hanggang P135.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasay Public Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P3.90 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Mega Q Mart.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P80.00 hanggang P120.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P80.00 hanggang P110.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Marikina Market Zone at Maypajo Market at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, New C. I Market, Pritil Market, Marikina Market Zone, Maypajo Market at City Market of Antipolo.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P24.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P35.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P120.00 hanggang P180.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P60.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P45.00 per kilo sa Viajero Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P24.00 per kilo. Makakabili naman ng P35.00 per kilo ng carrots sa Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P30.00 per kilo naman ay mabibili sa Meycauayan Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P120.00 sa Oriental Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P25.00 per kilo sa Meycauayan Market.