April 27, 2011

Print


Presyong Retail sa Bagsakan

(April 27, 2011)


Ngayong araw ng Miyekules, ika-27 ng Abril 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P160.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I Market at Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P165.00 hanggang P190.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P110.00 hanggang P130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P3.50 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Mega Q Mart.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P85.00 hanggang P120.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P70.00 hanggang P100.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Pasig City Mega Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Commonwealth Market at Marikina Market Zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P10.00 hanggang P30.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P30.00 hanggang P70.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P45.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P40.00 per kilo sa Pasig City Mega Market, Viajero Market, Marikina Market Zone at Maypajo Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P20.00 per kilo. Makakabili naman ng P25.00 per kilo ng carrots sa Pasig City Mega Market. Ang kamatis sa halagang P10.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P30.00 sa Pasay Public Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P30.00 per kilo sa Viajero Market, New C.I Market, Marikina Market Zone at Maypajo Market.