April 07, 2011

Print


Presyong Retail sa Bagsakan

(April 07, 2011)


Ngayong araw ng Huwebes, ika-7 ng Abril 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P160.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I Market at Marikina Market Zone .

Ang liempo naman ay mabibili ng P165.00 hanggang P190.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P110.00 hanggang P140.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P3.50 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Mega Q Mart.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P85.00 hanggang P120.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P75.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Pasig City Mega Market at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P15.00 hanggang P30.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P30.00 hanggang P70.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P50.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P40.00 per kilo sa Pasay Public Market . Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market, Muntinlupa Public Market, New C.I Market at Oriental Market sa halagang P30.00 per kilo. Makakabili naman ng P40.00 per kilo ng carrots sa Pasig City Mega Market at Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P15.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market, Bacoor Public Market at Maypajo Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P30.00 sa Pasay Public Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P30.00 per kilo sa Viajero Market, Muntinlupa Market, New C.I. Market at Maypajo Market.

Copyright 2012. Joomla Templates 2.5 | .