January 20, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(January 20, 2011)

Ngayong araw ng Huwebes, ika-20 ng Enero 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Rublou Market (Greenland at Floodway), Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P150.00 hanggang P170.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C. I Market at Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P165.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone, Meycauayan Market, Bacoor Public Market at Carmona Public Market

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P115.00 hanggang P130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market at New C. I Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P3.90 hanggang P4.75 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Mega Q Mart.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P80.00 hanggang P120.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P80.00 hanggang P110.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Marikina Market Zone at Maypajo Market at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, New C. I Market, Maypajo Market at City Market of Antipolo.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P50.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P18.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P60.00 hanggang P100.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P70.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P50.00 per kilo sa Pasig City Mega Market, Viajero Market, New C.I Market, Oriental Market, Meycauayan Market at Pasay Public Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P18.00 per kilo. Makakabili naman ng P25.00 per kilo ng carrots sa Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P30.00 per kilo naman ay mabibili sa Pritil Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P60.00 sa Pasay Public Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P45.00 per kilo sa Viajero Market, New C.I Market, Oriental Market at KADIWA Center.