June 24, 2011

Print

Presyong Retail Sa Bagsakan

(June 24, 2011)


Ngayong araw ng Biyernes, ika-24 ng Hunyo 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega – Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P160.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I Market.

Ang liempo naman ay mabibili ng P165.00 hanggang P190.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P120.00 hanggang P150.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market, Muntinlupa Public Market at Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P3.50 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Pritil Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P70.00 hanggang P100.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P65.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Marikina Market Zone ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Marikina Market Zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P35.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P18.00 hanggang P50.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P24.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P55.00 hanggang P80.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P50.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P35.00 per kilo sa Pasig City Mega Market at Viajero Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Pasig City Mega Market sa halagang P18.00 per kilo. Makakabili naman ng P20.00 per kilo ng carrots sa Pasig City Mega Market at Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P24.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P55.00 sa Viajero Market.At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P20.00 per kilo sa Viajero Market.

Copyright 2012. Joomla Templates 2.5 | .