January 18, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(January 18, 2011)

Ngayong araw ng Martes, ika-18 ng Enero 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Rublou Market (Greenland at Floodway), Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P150.00 hanggang P170.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C. I Market at Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P165.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Meycauayan Market, Bacoor Public Market at Carmona Public Market

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P115.00 hanggang P130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market at New C. I Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.75 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa New C. I Market, Commonwealth Market, Pritil Market at Maypajo Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P80.00 hanggang P120.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P80.00 hanggang P110.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Marikina Market Zone at Maypajo Market at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, New C. I Market, Maypajo Market at City Market of Antipolo.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P22.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P65.00 hanggang P80.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P70.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P45.00 per kilo sa Viajero Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P22.00 per kilo. Makakabili naman ng P40.00 per kilo ng carrots sa Viajero Market, New C.I Market, Oriental Market, Pritil Market, Marikina Market Zone, Maypajo Market, KADIWA Center, Meycauayan Market at City Market of Antipolo. Ang kamatis sa halagang P40.00 per kilo naman ay mabibili sa South Station, Oriental Market at Marikina Market Zone. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P65.00 sa New C.I Market, Oriental Market at Meycauayan Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P45.00 per kilo sa New C.I Market, Oriental Market at KADIWA Center.