June 08, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(June 08, 2011)


Ngayong araw ng Miyerkules, ika-8 ng Hunyo 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega – Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P160.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I Market.

Ang liempo naman ay mabibili ng P170.00 hanggang P190.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I. Market, Commonwealth Market and Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P115.00 hanggang P145.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P3.50 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Mega Q Mart at Pritil Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P70.00 hanggang P110.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P70.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Pasay Public Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Mega Q Mart at Pasay Public Market.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P18.00 hanggang P45.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P15.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P55.00 hanggang P80.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P50.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P40.00 per kilo sa Viajero Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P18.00 per kilo. Makakabili naman ng P20.00 per kilo ng carrots sa Pasig City Mega Market at New C. I. Market. Ang kamatis sa halagang P15.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market at Bacoor Public Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P55.00 sa Bacoor Public Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P25.00 per kilo sa New C.I Market.

Copyright 2012. Joomla Templates 2.5 | .