June 01, 2011

Print


Presyong Retail sa Bagsakan

(June 01, 2011)


Ngayong araw ng Miyerkules, ika-1 ng Hunyo 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega - Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P160.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I Market at Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P165.00 hanggang P190.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P110.00 hanggang P140.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market, Commonwealth Market at Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P3.50 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Mega Q Mart at Pritil Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P85.00 hanggang P120.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P60.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang bangus (medium) ay mabibili sa Pasig City Mega Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Marikina Market Zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P14.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P45.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P14.00 hanggang P30.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P48.00 hanggang P70.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P45.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P40.00 per kilo sa Viajero Market at Marikina Market Zone. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P14.00 per kilo. Makakabili naman ng P20.00 per kilo ng carrots sa Pasig City Mega Market, Viajero Market at New C. I Market. Ang kamatis sa halagang P14.00 per kilo naman ay mabibili sa Bacoor Public Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P48.00 sa Viajero Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P30.00 per kilo sa Pasig City Mega Market, Viajero Market, New C.I Market at Bacoor Public Market.