August 16, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(August 16, 2011)


Ngayong araw ng Martes, ika-16 ng Agosto 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega – Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P150.00 hanggang P175.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I.Market at Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P160.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P120.00 hanggang P130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market, New C.I Market, Commonwealth Market at Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P75.00 hanggang P110.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P70.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Pasig City Mega Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Commonwealth Market at Marikina Market Zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P55.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P55.00 hanggang P75.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P50.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P55.00 per kilo sa Viajero Market . Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P40.00 per kilo. Makakabili naman ng P25.00 per kilo ng carrots sa Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P25.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P55.00 sa Viajero Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P30.00 per kilo sa Viajero Market.