August 05, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(August 05, 2011)


Ngayong araw ng Biyernes, ika-5 ng Agosto 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega – Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P150.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P160.00 hanggang P190.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P120.00 hanggang P140.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market, New C.I. Market, Commonwealth Market at Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market at Maypajo Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P70.00 hanggang P110.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P65.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Marikina Market Zone at Commonwealth Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Marikina Market Zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P35.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P28.00 hanggang P60.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P60.00 hanggang P80.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P50.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P35.00 per kilo sa Viajero Market at New C.I. Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Marikina Market Zone sa halagang P28.00 per kilo. Makakabili naman ng P25.00 per kilo ng carrots sa Pasig City Mega Market, Viajero Market at Pritil Market Ang kamatis sa halagang P30.00 per kilo naman ay mabibili sa Bacoor Public Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P60.00 sa Pasig City Mega Market, Viajero Market at New C.I. Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P20.00 per kilo sa Viajero Market at Marikina Market Zone.