December 28, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(December 28, 2011)


Ngayong araw ng Miyerkules, ika-28 ng Disyembre 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega – Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P140.00 hanggang P170.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P148.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P115.00 hanggang P130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P100.00 hanggang P130.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P75.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Bacoor Public Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P60.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P50.00 hanggang P110.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P64.00 hanggang P90.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P60.00 hanggang P80.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P45.00 per kilo sa Marikina Market Zone. Ang cabbage scorpio ay mura Pasig City Mega Market sa halagang P40.00 per kilo. Makakabili naman ng P50.00 per kilo ng carrots Pasig City Mega Market at Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P40.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market, Commonwealth Market at Bacoor Public Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P64.00 sa Viajero Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P60.00 per kilo sa Viajero Market, Pasig City Mega Market, Marikina Market Zone, City Market of Antipolo at Bacoor Public Market.

Copyright 2012. Joomla Templates 2.5 | .