December 20, 2011

Print


Presyong Retail sa Bagsakan

(December 20, 2011)


Ngayong araw ng Martes, ika-20 ng Disyembre 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega – Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P135.00 hanggang P175.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P145.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P115.00 hanggang P135.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market at Maypajo Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P100.00 hanggang P130.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P75.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Bacoor Public Market at Maypajo Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Marikina Market Zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P65.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P38.00 hanggang P60.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P90.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P64.00 hanggang P90.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P50.00 hanggang P80.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P45.00 per kilo sa Viajero Market. Ang cabbage scorpio ay mura Viajero Market sa halagang P38.00 per kilo. Makakabili naman ng P45.00 per kilo ng carrots Viajero Market at Pasig City Mega Market. Ang kamatis sa halagang P25.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P64.00 sa Viajero Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P50.00 per kilo sa New C.I.Market.