November 03, 2011

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(November 03, 2011)


Ngayong araw ng Huwebes, ika-3 ng Nobyembre 2011, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 14 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Mega - Q Mart, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oriental Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P135.00 hanggang P170.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P145.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P115.00 hanggang P135.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New C.I. Market at Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market at Maypajo Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P95.00 hanggang P130.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P75.00 hanggang P90.00 kada kilo.
Ang murang bangus (medium) ay mabibili sa Pasig City Mega Market ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Commonwealth Market at Marikina Market Zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P48.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P65.00 hanggang P105.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P100.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P45.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P65.00 hanggang P100.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P35.00 hanggang P70.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P48.00 per kilo sa Marikina Market Zone. Ang scorpio cabbage ay mura sa Bacoor Public Market sa halagang P65.00 per kilo. Makakabili naman ng P45.00 per kilo ng carrots sa Pasig City Mega Market. Ang kamatis sa halagang P45.00 per kilo naman ay mabibili sa Bacoor Public Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P65.00 sa Pasay Public Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P35.00 per kilo sa Viajero Market.

Copyright 2012. Joomla Templates 2.5 | .