May 05, 2010

Print

Presyong Retail sa Bagsakan
(May 05, 2010)
 

Ngayong araw ng Miyerkules, ika-05 ng Mayo 2010 , narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market(formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Rublou Market(Greenland at Floodway), Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market at Bacoor Public Market.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P165.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng New CI Market, Marikina Market Zone, Meycauayan Market at Pasay Public Market .

Ang liempo naman ay mabibili ng P170.00 hanggang P190.00 . Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Commonwelath Market, Marikina Market Zone, Meycauayan Market.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P110.00 hanggang P130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market, Pritil Market,Maypajo Market, Meycauayan Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P90.00 hanggang P115.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P65.00 hanggang P90.00 kada kilo.

Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili Pasig City Mega Market, New CI Market, Marikina Market Zone, Maypajo Market, Meycauayan Market, Bacoor Public Market ; at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Marikina Market Zone.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P15.00 hanggang P40.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P15.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P15.00 hanggang P25.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P18.00 hanggang P40.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P12.00 hanggang P25.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P25.00 per kilo sa Viajero Market at Oriental Market, Balintawak . Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market at Oriental Market, Balintawak sa halagang P15.00 per kilo . Makakabili naman ng P15.00 per kilo ng carrots sa Oriental Market, Balintawak. Ang kamatis sa halagang P12.00 per kilo naman ay mabibili sa Meycauayan Market . Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P18.00 sa New CI Market . At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P12.00 per kilo sa Meycauayan Market, Kadiwa Market at City Market of Antipolo . # # # (DA Bagsakan Unit)