June 24, 2010

Print



Presyong Retail sa Bagsakan

(June 24, 2010)
 

Ngayong araw ng Huwebes, ika-24 ng Hunyo 2010, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Rublou Market (Greenland at Floodway), Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P155.00 hanggang P180.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P170.00 hanggang P185.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market, New CI Market, Commonwealth Market, Marikina Market Zone, Meycauayan Market at Pasay Public Market.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P110.00 hanggang P130.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market at Marikina Market Zone.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.50 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa Commonwealth Market, Pritil Market, Maypajo Market at Meycauayan Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P80.00 hanggang P100.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P75.00 hanggang P95.00 kada kilo.

Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Marikina Market Zone at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Marikina Market Zone at Pasay Public Market.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P35.00 hanggang P60.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P60.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P40.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P28.00 hanggang P45.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P15.00 hanggang P40.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P35.00 per kilo sa New C. I Market at Oriental Market. Ang scorpio cabbage ay mura sa Oriental Market sa halagang P30.00 per kilo. Makakabili naman ng P40.00 per kilo ng carrots sa Viajero Market, Oriental Market, Maypajo Market, Meycauayan Market at Carmona Public Market. Ang kamatis sa halagang P25.00 per kilo naman ay mabibili sa KADIWA Center. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P28.00 sa Oriental Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P15.00 per kilo sa Maypajo Market. # # # (DA Bagsakan Unit)