November 04, 2010

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(November 04, 2010)

Ngayong araw ng Huwebes, ika-4 ng Nobyembre 2010, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Rublou Market (Greenland at Floodway), Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P135.00 hanggang P170.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P145.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P100.00 hanggang P125.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Bacoor Public Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.75 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa New C.I Market, Commonwealth Market, Pritil Market at Meycauayan Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P70.00 hanggang P110.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P80.00 hanggang P110.00 kada kilo.

Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Marikina Market Zone at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa Pasig City Mega Market, New C.I Market, KADIWA Center at City Market of Antipolo.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P30.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P16.00 hanggang P65.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P70.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P20.00 hanggang P40.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P40.00 hanggang P60.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P40.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P30.00 per kilo sa KADIWA Center. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P16.00 per kilo. Makakabili naman ng P25.00 per kilo ng carrots sa Viajero Market. Ang kamatis sa halagang P20.00 per kilo naman ay mabibili sa Viajero Market, New C.I Market, Oriental Market at Meycauayan Market. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P40.00 sa Viajero Market, New C.I Market at Oriental Market. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P25.00 per kilo sa Pasig City Mega Market at KADIWA Center. # # # (DA Bagsakan Unit)