November 10, 2010

Print

Presyong Retail sa Bagsakan

(November 10, 2010)

Ngayong araw ng Miyerkules, ika-10 ng Nobyembre 2010, narito po ang presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng karne, isda at mga piling gulay sa 19 bagsakan centers sa Metro Manila. Ito ay ang Pasig City Mega Market (formely Mutya ng Pasig Market), Viajero Market, City Market of Antipolo, Muntinlupa Public Market, South Station, New C.I Market, KADIWA Center, Marikina Market Zone, Marikina Public Market, Pritil Market, Commonwealth Market, Maypajo Market, Rublou Market (Greenland at Floodway), Meycauayan Market, Mega – Q Mart, Carmona Public Market, Pasay Public Market, Bacoor Public Market at Oreintal Market Balintawak.

Ang karne, tulad ng pork ham/kasim ay mabibili sa halagang P140.00 hanggang P170.00 kada kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang liempo naman ay mabibili ng P145.00 hanggang P180.00. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Marikina Market Zone.

Ang fullydressed chicken ay nagkakahalaga ng P110.00 hanggang P125.00 per kilo. Ang pinakamura ay mabibili sa palengke ng Pasig City Mega Market, New C.I Market, Marikina Market Zone, KADIWA Center at Meycauayan Market.

Samantalang ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili ng P4.00 hanggang P4.75 kada piraso. Ang pinakamurang medium size na itlog ay mabibili sa New C.I Market, Commonwealth Market, Pritil Market at Meycauayan Market.

Sa isda naman, ang medium na bangus ay nagkakahalaga ng P80.00 hanggang P110.00 kada kilo; ang medium na tilapia ay sa halagang P70.00 hanggang P110.00 kada kilo.

Ang murang­ bangus (medium) ay mabibili sa Pasig City Mega Market, Marikina Market Zone, Maypajo Market at KADIWA Center at ang pinakamurang tilapia ay mabibili sa KADIWA Center.

Ang mga piling gulay gaya ng ampalaya ay mabibili sa halagang P50.00 hanggang P80.00 kada kilo. Ang cabbage scorpio naman ay mabibili sa halagang P14.00 hanggang P55.00. Ang carrots ay mabibili sa halagang P25.00 hanggang P50.00 kada kilo. Ang kamatis ay mabibili sa halagang P24.00 hanggang P48.00 kada kilo. Ang pulang sibuyas ay nagkakahalaga ng P40.00 hanggang P60.00 at ang talong naman ay mabibili sa halagang P24.00 hanggang P45.00 kada kilo.

Mabibiling mura ang gulay tulad ng ampalaya sa presyong P50.00 per kilo sa KADIWA Center. Ang scorpio cabbage ay mura sa Viajero Market sa halagang P14.00 per kilo. Makakabili naman ng P25.00 per kilo ng carrots sa Maypajo Market. Ang kamatis sa halagang P24.00 per kilo naman ay mabibili sa Pasig City Mega Market at KADIWA Center. Ang pulang sibuyas ay mura sa halagang P40.00 sa Viajero Market, New C.I Market , Oriental Market, Oriental Market at KADIWA Center. At ang talong naman ay mabibiling mura sa halagang P24.00 per kilo sa KADIWA Center. # # # (DA Bagsakan Unit)